Ikinatuwa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Batangas, ang mabilis na pagkakalikas sa libu-libong mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Taal matapos ang phreatic eruption nito kahapon ng hapon.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni PDRRMO Batangas head Lito Castro, bagamat may kahirapan sa paglilikas dahil umabot sa tinatayang 8,000 residente kanilang inilakas, ay naging mabilisan ang mga pangyayari.
Kinilala naman ni Castro ang ginawang maagap na pagtugon ng mga local at barangay officials at pakikipagtulungan ng mga residente para narin sa kanilang kaligtasan.
Kasunod nito ay tiniyak ng opisyal na may sapat na augmentation force ang kanilang hanay para sa ginagawang paglilikas.
Bukod dito, ngayong araw ng Lunes, ay inaasahan din aniya nila ang pagdating ng karagdagan pang augmentation o tulong para naman sa iba pang pangangailangan ng mga evacuees.