Inirereklamo ang isang kalsada sa Camp 7, Kennon Road, Lungsod ng Baguio, partikular sa bahagi ng tulay, matapos itong agad masira ang bagong inilagay na aspalto.
Ayon sa nagreklamo, halos dalawang linggo pa lamang mula nang ito ay maisagawa o maipaayos, ngunit nasira na agad ito matapos lamang ang ilang araw.
Ngunit ayon kay Cesario Rillera, Chief ng Planning and Design Section ng Department of Public Works and Highways–Baguio City District, maaaring naapektuhan ang kalidad ng aspalto dahil sa patuloy na pag-ulan.
Ipinaliwanag niya na posible umanong umulan noong inilalagay ang asphalt overlay, kaya ito ang naging dahilan ng agarang pagkasira ng nasabing bahagi.
Samantala, sinabi ng nasabing opisyal na hindi na saklaw ng kontrata ang muling paglalagay ng aspalto kapag ito ay nasira na.
Ayon pa kay Rillera, ang gastos para sa pagkukumpuni ng aspalto ay ipapasa sa kontraktor. // Via Bombo Radyo Baguio