DAGUPAN CITY- Isa umanong dahilan ng ahagyang paggalaw ng presyo ng sibuyas sa ilang mga lugar sa bansa tulad ng Nueva Ecija ay ang mababang ani nito dulot ng pagka-antala dahil sa mga nagdaang bagyo.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio, isang magsasaka sa Nueva Ecija, mayroong bahagyang paggalaw ng presyo ng sibuyas.

Aniya, kahit na matagal na ang lumipas simula noong nanalasa ang ilang mga bagyo sa bansa ay danas pa rin ang epekto nito sa Agrikultura.

--Ads--

Aasahan rin umano ang kaunting pagtaas ng sibuyas sa pagsapit ng bagong taon dahil hindi name-meet ang demend ng sibuyas dahil sa pagka antala sa mga anihan.

Nagbigay rin ng kaunting tulong ang Department of Agriculture sa mga naapektuhan ng pangyayaring ito.