Ikinalulungkot ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office na mababa pa rin ang pagtangkilik ng mga residente sa booster Covid doses.

Pagsasaad ni Dr. Anna De Guzman na siyang Provincial Health Officer sa lalawigan na sa ngayon ay matamlay pa rin ang mga indibidwal na nagpapabooster laban sa nakakahawang Covid-19 virus.

Aniya na nasa 17 percent pa lamang ng 2.1 milyong mga nabakunahan sa probinsya ang nakatanggap ng kanilang ikatlong dose ng bakuna.

--Ads--

Base na rin sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay dapat mapaigting aniya ang bakunahan kung saan dapat ay nasa 90 percent sa hanay ng mga senior citizens ay mabakunahan at gayundin ang 50 percent ng mga eligible population o mga taong nasa edad 12 pataas.

Sa ngayon ay nasa 82 percent na ang maituturing na fully vaccinated sa buong lalaiwgan.

Hinihiling din nito sa publiko na magpabakuna laban sa covid-19 lalo na’t nakapagtatala pa rin ng kaso kung saan ay ansa 301 ang mga aktibong kaso na karamihan ay mga hindi bakunadong mga residente.

TINIG NI DR. ANNA DE GUZMAN

Nilinaw din nito na ang mga nagexpired na bakuna ay pawang nagmula sa mga idinonate ng mga private sectors.