DAGUPAN CITY- Itinaas na ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang red alert status kahapon sa lalawigan bilang paghahanda sa Bagyong Kristine.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu, Operations Supervisor ng naturang tanggapan, buong handa na ang kanilang opisina sa maaaring epekto ng bagyo.

Aniya, sabado at linggo pa lamang ay naglabas na sila ng abiso sa mga mangingisda at mga residente na malapit sa coastal areas.

--Ads--

Nagsagawa na rin sila ng pre-disaster risk assessment kasama ang national at provincial agencies.

Magpapadala naman aniya ang kapulisan ng kanilang ipapadala para sa augmentation team kung sakaling kakailanganin na ito ng iba’t ibang mga bayan.

Bagaman, inaasahan na ang mga pag-ulan sa susunod na mga araw, nagkaroon na sila ng pre-positioning sa Western Pangasinan.

At sinabihan na rin nila ang ibang mga ahensya na magsagawa na ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Nakahanda naman ang kanilang rescue teams at mga kagamitan para sa oras ng emerhensiya

Kung may mangangailangan naman ng tulong, maaaring tumawag sa tanggapan ng kapulisan sa kanilang bayan o di kaya’y i-dial ang 911.

Samantala, sinabi naman ni Chiu, na wala pa silang naital na nakaranas ng pag-ulan sa probinsya kahapon.

Gayunpaman, batay naman aniya sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa lalawigan ngayon araw.

At mas makakaranas pa aniya ng mas malakas na pag-ulan bukas.