Itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2025 ang kinatawan ng Quezon Province na si Ma. Ahtisa Manalo sa katatapos lamang na Coronation night.

Matapos sumali sa kompetisyon noong nakaraang taon, sa wakas ay nagbunga na ang kanyang tiyaga at pagpupursige upang makuha ang korona.

Si Ahtisa ay hindi na bago sa entablado ng pageant. Noong 2018, lumaban siya sa Binibining Pilipinas kasama si Catriona Gray, na kalauna’y naging Miss Universe.

--Ads--

Siya naman ang nagwagi bilang Binibining Pilipinas International at nagtapos bilang 1st Runner-Up sa Miss International 2018.

Kasama naman nito sa Top 6 finalists sina Sultan Kudarat Chelsea Fernandez, Muntinlupa Wyn-wyn Marquez, Siniloan Laguna Yllana Marie Aduana, Taguig Katrina Llegado at Cebu City Gabbi Carballo.