DAGUPAN CITY- Tampok ang pagluluto ng talong sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Talong Festival sa bayan ng Villasis.

Ayon kay Christopher Cabanela, Barangay Captain ng Brgy. Amamperez, nagpakitang gilas ang mga lumahok na 21 barangay upang ipakita ang kani-kanilang diskarte sa lulutuing pakbet para sa luto sa kawan at mayroon din iba’t ibang putahe ng talong.

Aniya, target nilang ipakain ang kanilang nilutong putahe sa higit 300 na mga bisitang dumalo.

--Ads--

Ikinatutuwa naman niya ang mga aktibidad dahil naging kilala ang produktong talong ng kanilang bayan.

At aniya, tanging ang kanilang bayan lamang ang may ganitong taunang selebrasyon.

Samantala, nanggaling naman sa Local Government Unit (LGU) ng naturang bayan ang mga kinakailangan ng bawat kalahok para sa kanilang putahe.

Pinangunahan naman ng alkalde ng bayan ang naturang aktibidad.

Nagsimula naman ang selebrasyon ng Talong Festival noong Enero 9 at magtatapos sa Enero 18.