DAGUPAN, CITY— Patuloy ang monitoring at surveillance ng Lungsod ng Dagupan sa mga frontliners at mga indibidwal na pumapasok sa siyudad upang masiguro na hindi sila kinapitan ng coronavirus disease.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng nabanggit na lungsod, na sumasailalim sa swab test at rapid test para mascreen nang mabuti ang mga ito at hindi na makahawa sa mga DagupeƱo.

Aniya, higit sa 3,000 na ang sumailalim sa rapid test at higit sa 2,000 naman sa swab test. Karamihan din sa mga frontliners ng city government ay natest na sa covid19 at susunod naman nilang isasailalim sa expanded testing ang mga vendors ng lungsod.

--Ads--
Tinig ni Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng Dagupan City

Maayos naman umano ang mga hakbangin sa pagsugpo sa covid at ang mga kaso sa lungsod ay galing sa labas o may travel history kayat inaasahan din na hindi na magkaroon pa ng kaso ng local transmission sa siyudad.

Tinig ni Dr. Ophelia Rivera, COVID-19 focal person ng Dagupan City

Ngunit inamin din ni Rivera na marami pa rin ang mga pabalik araw-araw sa lungsod na mga Overseas Filipino Workers (OFW), mga turista at Locally Stranded Individuals (LSI) kung kaya’t nagiging pagsubok ito sa kanila dahil kapag nagkataon umanong nagsabay-sabay na dumating ang mga ito sa siyudad ay maaaring mapuno ang kanilang inilaang mga quarantine facility.