DAGUPAN CITY– Nangunguna ang lungsod ng Dagupan sa kaso ng firecracker related injuries sa buong rehiyon 1 noong nakaraang pagsalubong sa bagong taon ayon sa Public Health Unit ng nasabing lungsod.

Ayon kay Dr. Merliza Estaris, ang Head ng Public Health Unit sa Region 1 Medical Center, mula Disyembre 21, 2023 hanggang Enero 4, 2024, nakapagtala sila ng 34 na kaso.

Aniya, ipinapakita nito ang pangangailangan na maging maingat sa paggamit ng mga paputok.

--Ads--

Dagdag pa ng opisyal, mahalagang mag-usap agad ang mga pamilya at komunidad tungkol sa kaligtasan ng mga paputok bago pa man sumapit ang bisperas ng bagong taon.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan ang anomang aksidente o insidente na dulot ng hindi tamang paggamit ng mga pampaingay.
Ipinahayag din ni Dr. Estaris ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paunang lunas kung sakaling maging biktima ng paputok.