Muling nanawagan para sa maayos at matahimik na eleksiyon ang hanay ng PNP lalo pa at ilang araw na lamang bago ang Midterm Elections na magaganap sa Mayo 13.
Ayon kay PLt.Col Jandale Sulit, ang hepe ng Dagupan City Police Station na base sa kanilang assessment, nananatiling tahimik ang siyudad ng Dagupan.
Aniya, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report na mga insidente na mayroong kaugnayan sa eleksiyon.
Gayunman, tuloy tuloy ang police visibility sa mga pagtitipon ng mga kandidato upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng iringan partikular ng mga supporters ng mga ito.
Samantala, kinumpirma ng hepe na ilang impormasyon na natatanggap umano ang COMELEC kaugnay sa vote buying pero patuloy naman ang berepikasyon na kanilang ginagawa kaugnay sa mga ipinapaabot na ulat.