Nanatiling mapayapa pa rin ang lungsod ng Dagupan ilang araw bago ang halalan at Kahit na umaarangkada ang kampanya.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento ang siyang election supervisor ng Comelec Dagupan na mahigpit ang kanilang monitor sa mga nangyayari sa syudad Lalo na at kabilang ito sa yellow category ngunit kahit ganon anya ay maayos at mapayapa pa rin naman.

Dagdag pa nito na pinadalhan nila rin nila ng notice yung kandidatong hindi sumunod sa tamang proseso sa paglalagay at pagkakabit ng kanilang mga campaign materials.

--Ads--

Bukod dito ay puspusan na rin ang knailang mga ginagawnag aktibidad at pakikipag-ugnayan sa mga ahensya at opisina na kakailanganin sa halalan gaya na lamang katiyakan pagdating sa kuryente.

Samantala, nasa 30 paaralan naman ang magsisilbing voting center sa Dagupan para sa halalan.

Paalala naman nito sa mga botante na kilalaning mabuti ang kanilang mga iboboto na siyang maninilbihan sa kanilang nasasakupan at e- exercise ang tamang pagboto sa darating na eleksyon.