Tiniyak ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim na gagawin nila lahat para mapabilis ang vaccination dito sa lungsod.

Ayon kay Lim, lumampas na sa isang libo ang nababakunahan araw araw kung saan aabot na sa 1,200 kada araw ang nababakunahan.

Iniulat din ni Lim na sapat ang mga quarantine facilities sa ciudad.

--Ads--

Gayunman ay naghahanda pa rin sila ng mga quarantine beds sa East Central Quarantine facilities na paglalagyan ng mga covid patient para mabigyan ng karagdagang oxygen support o swero habang naghihintay na maipasok sila sa ospital.

Inaasahan na kasi aniya ang pagtaas ng kaso ngayong buwan ng Setyembre dahil ayon sa mga eksperto ang delta surge ay tatagal umano ng pitu hanggang walong linggo o aabot ng dalawang buwan.

Muli namang nagpasalamat ang alkalde sa mga frontliners na patuloy na tumutulong sa gobyerno at sa mga natamaan ng virus.

Muling nanawagan si Lim para sa ibayong pag-iingat.

Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili at sumunod sa mga healt protocols para hindi mapuno ng pasyente ang mga ospital at maiwasan ang hawaan .