Kinumpima ni City mayor Mark Brian Lim na mayroon nang naitalang apat na kumpirmadong nagpositibo sa Corona Virus disease
dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Lim na batay sa ulat ng Department of Health, ang apat na ito ay dati nang tinaguriang mga Patients under investigation o PUI .

Ayon sa isinagawang test ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM kumpirmadng positibo sila sa covid 19 virus.
Ang dalawa sa kanila ay nasa kalagitnaan ng kanilang self imposed quarantine sa kanilang tahanan sa barangay Pogo Chico. Dahil dito, ipinag utos na niya ang total lockdown sa nasabing barangay.

--Ads--

Nangangahulugan na mahigpit nang ipinagbabawal sa sinuman ang lumabas at pumasok sa nasabing barangay alinsunod sa regulasyon at direktiba ng DOH.

Sa kabilang dako ang dalawa pang positibong pasyente na mula sa barangay Lucao at Bonuan Gueset ay ilang araw nang naka isolate sa pasilidad ng Region I Medical Center. Hindi naman umano grabe ang kalagayan ng apat.

Tukoy naman ang pagkakakilanlan ng apat kaya hindi na sila mahihirapan sa contact tracing. Pinapayuhan ang mga taong nakasalamuha ng mga ito na mag self imposed 14 days quarantine.

Samantala, kahit may nagpositibo na sa covid-19 dito sa lungsod, nanawagan si Lim sa publiko na tratuhin pa rin sila bilang tao at iwasan na magpahayag ng negatibo laban sa mga ito.