Dagupan City – Nagdeklara na ang lungsod ng Dagupan ng kanselasyon ng mga klase bunsod ng pagkakabilang nito sa Danger Category sa heat indexes sa bansa.
Ayon kay Maricris Ferrer, Principal ng Federico N. Ceralde Integrated School nagbaba na ng mandato ang lungsod na suspendehin ang klase dala ng mainit na panahon.
Aniya, nakatakdang bumalik sila sa blended learning upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga studyante. Binigyang diin naman nito na ams mainam din kung dagdagan ang ventilation sa bawa’t paaralan upang kahit papaano’y maibsan ang maalinsangang panahon.
Pinayuhan naman nito ang mga maga-aaral at guro na magdala ng tubig, at huwag munang magsuot ng uniporme ngunit nasa ilalim pa rin ng proper dress code.
Samntala, nagpaalala naman si Dr. Paulo Garcia, Officer in Charge Dagupan City Veterinary Office, patungkol sa posibleng heat stroke sa mga alagang hayop.
Aniya, ang mga aso at pusa ay may mataas na normal temperature kung kaya’t mas matagal bumaba ang kanilang body temperaturena siyang sanhi ng kanilang pagka-prone sa Heat Stroke.
Binigyang diin naman nito na ang heat stroke ay nagpapababa ng immune system ng mga alagang hayop kaya malaki ang posibilidad na hindi kayanin ng mga ito.
Ibinahagi naman ni Garcia ang sintomas ng heat stroke sa mga alagang hayop gaya ng;pagkahingal, paglalaway, mabilis na tibok ng puso at iba pa.
Payo nito naman nito sa mga fur-parents, kapag nakaranas ng ganito ang alagang hayop, agad paliguan ng katamtamang lamig ng tubig na galing sa gripo at huwag paliguan ng yelo o malamig na tubig dahil baka magulat ang kanilang katawan.
Matatandaan na sinabi ni Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng Philippine Atmospheric and Geophysical ang Astronomical Services Administration sa Dagupan na inaasahang pang mas tataas ang temperatura at alinsangan sa lungsod lalo na ngayong buwan ng abril at mayo, at kung ikukumpara umano ang heat index na naitala nila ngayong buwan ay mas mataas ang naitala noong nakaraang taon na umabot ng 51 degrees centegrade celsius.