DAGUPAN, CITY— Isinasagawa na ng pamahalaang panlungsod ng Dagupan ang mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mamimili sa Magsaysay Public Market.

Ito ay dahil na rin sa naunang ulat ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kamakailan na isang symptomatic kung saan nakahawa pa siya ng ilang kasama.

Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, kanilang ipinasara ng isang araw ang naturang palengke upang isagawa ang disinfection upang mapigilan ang malawakang pagkalat ng COVID-19 sa nabanggit na lugar.

--Ads--

Nabatid din ni Lim na magandang hakbang din ang pansamantalang pagkakasara ng nabanggit na palengke dahil maraming mga nagdedeliver ng mga produkto mula sa iba’t ibang bayan at sa iba pang probinsya kaya mataas ang tyansa na magkaroon ng transmission ng naturang sakit.

Dagdag pa ni Lim, na gawing responsibilidad ng mga indibidwal sa siyudad ang pagsusuot sa face masks at face shields upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at nang hindi na rin matigil pa ang operasyon ng mga negosyo sa siyudad.