DAGUPAN CITY – Nagsilbing host ang lungsod ng Dagupan sa dalawang malaking programa ng Department of Education na Regional School Press conference (RSPC)at Regional Festival of Talents (RFOT) kung saan ay nagsimula na ito ngayong araw at magtatapos ng February 14.

Ayon kay Rowena Banzon, Schools Division Superintendent, Dagupan City SDO, nasa 6,000 na delegation ng ibat ibang School Division Office mula sa ibat ibang region ang kalahok.

Ang RFOT ay isang grandeng aktibidad na magtatampok ng iba’t ibang kompetisyon sa talento, tulad ng Pintahusay, Folk Dance, Likhawitan, Bidyokasiya, at marami pang iba na magsisilbing pagkakataon upang ipakita ang kahusayan at galing ng mga mag-aaral.

--Ads--

Samantala, ang RSPC ay magpapakita naman ng mga kasanayan sa pagsusulat OJournalism.

Pinangunahan ng Department of Education (DepEd), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City at mga Barangay Council, ang preparasyon ng mga paaralan na magsisilbing “second home” ng mga kalahok upang matiyak ang kanilang komportableng pamamalagi habang nakikilahok sa mga aktibidad.

Ang mga kaganapang ito ay tiyak na magsisilbing mahalagang hakbang para sa mga young journalists at young artists sa rehiyon upang ipakita ang kanilang talento at galing.