DAGUPAN CITY- Nagdudulot ng labis na pangamba sa mga mangingisda ang paulit-ulit na pagsulpot ng mga hindi na kilalang vessels sa katubigan ng Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, dahil sa mga pangyayari, lumalabas lamang na nag-iintensify ang sitwasyong kinapapalooban ng maritime security kumpara sa mga nakaraang mga buwan at taon.
Aniya, mas lumalala ang tensyon sa katubigan sa Pilipinas at tila mahirap nang pigilan pa.
Naiipit rin umano ang mga mangingisda lalo na ang mga maliliit lamang at itinuturing na biktima saang anggulo man tingnan.
Dapat rin aniyang i-demilitarize ang West Philippine Sea sa kadahilanang nagdudulot ito ng mas lalong pagtindi ng tensyon.
Hindi rin nakatutulong angvmga side-comments ng mga bansang hindi kasangkot sa sitwasyon, bagkus ay mas lalong nagpapalala ng sitwasyon.
Dagda niya, hindi rin malaya ang mga mangingisda sa kanilang karapatang makapangangisda dahil sa takot na baka sila naman ang maging biktima ng pag-atake.