Dagupan City – Patuloy na isinasagawa ng Regional Civil Security Unit 1 katuwang ang Police Regional Office 1 at sa tulong ng mga lokal na pamahalaan sa bawat probinsya sa rehiyon 1 ang Caravan sa License to Operate and Possess Firearms o LTOP para sa mga firearms owner na unregistered at paso ang lisensya.
Batay sa datos ng nasabing opisina noong buwan ng Agosto ngayong taon ay nasa kabuuang 39126 na mga expired at unregistered firearms sa buong rehiyon uno kung saan sa Ilocos norte ay may 5409, Ilocos sur nasa 6141, La union nasa 5308 at p
Pangasinan ay nas 22,268 kung saan ang Pangasinan ang pinakamadami dahil sa lawak ng sakop na area at dami ng mga firearms owner.
Dahil dito, patuloy ang revitalize oplan katok sa bansa lalo na sa Rehiyon uno upang mapaalalahanan ang mga nagmamay-ari ng baril na paso na ang lisensya para maiwasan ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nasa 3 beses ang gagawing pagbisita ng mga kapulisan sa mismong bahay ng firearms owner na nasa listahan na hindi pa nagcocomply kung saan dapat sa una at ikalawa ay sumunod na ito ngunit kung pangatlong beses na ay magiging subject for search warrant at marerevoke ang kaniyang lisensya.
Ayon kay Pltcol. Regina Abanales ang Officer in charge ng Regional Civil Security Unit 1 na kaya sila nagsasagawa ng LTOP Caravan ay upang matulungan na makapagprocess ang mga firearms owner para sa kanilang pasong lisensya sa LTOP at Firearms Registration.
Aniya na sa November 21-22 ay magaganap ang One Stop Shop LTOP Caravan sa bayan ng San Quintin dito sa lalawigan ng Pangasinan kaya marapat na magtungo dito ang nais makapagprocess.
Nasa 300 umano ang maaring macater ng kanilang Regional Medical and Dental Unit para sa Neuro Test sa dalawang araw sa LTOP renewal processes pero sa firearms renewal ay unlimited process ngunit kailangang valid ang LTOP nila.
Dagdag nito na may nauna na aniyang Caravan ang kanilang hanay sa lungsod ng Urdaneta at nagkaroon na din dito sa lalawigan ng Pangasinan para naman sa mga Police personel.
Sa kabilang banda sa mga nais magkaroon ng baril sa pangangalaga ay maraming requirements ang kinakailangan lalo na ang LTOP depende sa qualifications dahil privilege lamang ang pagposses ng baril.
Ilan sa mga requirements ay neuro at drug test dahil dapat nasa tamang pag-iisip ang hahawak ng baril, kailangan mayroong stable source of income, kung government employee kailangan ang plantilla position ng civil service habang kung businessman naman ay business permit at valid id. passport, proof of billing LTOP New form, affidavit of undertaking kung anong gustong validity ng pagkakaroon ng baril kung 5 years or 10 years at iba pa kasama din ang pag-uundergo sa gun safety seminars bago isyuhan nito. (Oliver Dacumos)