Dagupan City – Nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) Region I ng information dissemination activity sa bayan ng Rosales kaugnay ng implementasyon ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) o Republic Act No. 11697.
Ipinakilala sa mga kalahok ang mga bagong patakaran, umiiral na alituntunin, at regulasyon sa paggamit at operasyon ng electric vehicles upang mapalawak ang kaalaman ng publiko at masiguro ang kaligtasan sa kalsada.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng publiko, lalo na ng mga motorista, operator, at iba pang stakeholder, hinggil sa mga polisiya ng pamahalaan sa electric mobility at ang mahalagang papel ng bawat isa sa maayos na implementasyon ng batas.
Patuloy ang koordinasyon ng LTO Region I sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang maisakatuparan ang maayos, episyente, at ligtas na pagpapatupad ng mga patakaran, bilang bahagi ng adbokasiya para sa makakalikasan at modernong transportasyon.










