Aminado ang Land Transportation Office Region 1 na mayroon pa rin silang nahuhuling kolorum na sasakyan dito sa rehiyon.

Ayon kay LTO Region I Asst. Regional Director-Kathleen Salayog, sa mga nakalipas na Semana Santa, mayroon silang nasisita na mga kolorum na sasakyan na nananamantala dahil sa dagsa ng mga pasahero.

Aniya, kadalasang nangyayari ang mga ganitong insidente sa mga terminals kaya agad nilang ipinapatigil ang operasyon ng bus at pinapababa ang mga byahero para ipaliwanag ang rason sa pagpapahinto ng sasakyan.

--Ads--

Naiintindihan naman ng mga pasahero ang trabaho ng LTO kaya walang aberyang nagaganap kapag naninita sila ng mga kolorum na sasakyan.