Dagupan City – Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng holiday seaso o ang pasko at bagong taon, patuloy pa rin na tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang pagmomonitor sa mga kakalsadahan lalong Lalo na sa mga uuwi pabalik sa kanilang mga probinsya na mga turista.

Alinsunod na rin sa layuning ito, pinaiigting ng LTO Region 1 ang pagmamando ng mga kondisyon ng trapiko sa kalsada, pagbibigay ng tulong sa mga motorista at pasahero, at nagsasagawa ng masusing inspeksyon sa tabi ng kalsada, lalo na para sa mga pampublikong sasakyan (PUVs).

Ang proaktibong pamamaraan na ito ay bahagi ng mas malawak na estratehiya ng LTO upang matiyak ang ligtas na paglalakbay para sa lahat, na nagpapababa ng mga posibleng aksidente at tinitiyak na ang mga pampublikong sasakyan ay pumapasa sa mga pamantayan ng kaligtasan.

--Ads--

Kaugnay nito ay mahigpit na nagpapaalala ang tanggapan sa lahat ng motorista na sumunod sa mga batas trapiko at mag-ingat sa kalsada upang maiwasan ang mga aksidente at matiyak ang isang ligtas na paglalakbay para sa lahat. (Aira Chicano)