DAGUPAN, CITY— Nilinaw ng tanggapan ng LTO Region 1 ang usaping may kaugnayan sa motorcycle law.
Matatandaan na noong pang taong 2019 naipasa ang nasabing panukala upang siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista maging ng ating mga kababayan at maging ang komite ni Senator Richard Gordon ay hindi na rin naitago ang panggagalaiti dahil sa pagka delayed nito.
Ayon kay LTO Regional Director Atty. Teofilo Jojo Guadiz III, aminado sila na ang bahagyang pagka-antala ng nasabing panukala ang naging dahilan kung bakit hindi sila nakapag produce ng plaka.
Kung maaalala, sinasabi sa batas na dapat ang plaka ay nasa harap at likod ay mayroong kaakibat na sukat.
Dahil dito, hindi aniya naiwasang makatanggap ng pambabatikos ang kanilang ahensya mula sa mga motorista dahil sa pagiging inconvenient nito.
Maaaring makaranas ng matinding perwisyo at magiging sagabal ang usaping ito.
Kaya lang naman aniya natagalan ang proseso nito dahil kinailangan muna nilang pakinggan ang lahat ng side o hinaing ng mga motorcycle association of the Philippines na nagsasabi at tutol sa pagkakaroon ng plaka sa harapan.
Hinimok din ni Guadiz ang lahat ng mga motorista na hanggat maaari ay maging responsable sa pagsunod ng bawat panuntunan sa kakalsadahan.
Aminado din ang opisyal na nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang tanggapan ang mainit na usapin ngayon ukol sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) project.
Nariyan aniya ang pamemersonal ng ilang tao dahilan upang maglabas din ng clarifications ang kanilang opisina. (with reports from: Bombo Lyme Perez)