DAGUPAN, CITY— Aminado ang tanggapan ng Land Transporation Office o LTO Region 1 na hindi pa lubusang handa ang kanilang ahensya sa implementasyon ng Child Safety Law.

Ayon kay LTO Regional Director Atty. Teofilo “Jojo” Guadiz III, tinatayang 60-70% pa lamang ang kanilang kahandaan sa usaping ito lalo na’t madami pang bagay ang dapat na ikonsidera.

Maging ang tanggapan aniya ng DTI ay kinakailangan ding mag handa kung sakali para sa mga suplier ng child retraining instrument dahilan upang hindi ito agarang maipatutupad dahil sa kakulangan ng suplay sa merkado.

--Ads--

Giit ni Guadiz, sa ngayon at sa mga susunod na anim na buwan ay mas paiigtingin na muna ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng information dessimination.

Paliwanag pa nito na sa datos ng ating bansa mula noong taong 2018, umabot sa 1226 ang bilang ng mga namamatay dulot ng aksidente sa kakalsadahan at tinatayang 3 bata ang namamatay araw-araw.

90% sa mga ito ay ang mga nakasakay sa mga pampribadong sasakyan na nasangkot sa violent accident dahil sa kawalan ng seat belt.

Tinig ni LTO Region 1 Director Atty. Teofilo “Jojo” Guadiz III

Bagamat kumakaharap pa rin tayo sa krisis dulot ng covid-19 pandemic, giit namn ng opisyal na kung sakaling hindi ipatutupad ang naturang batas, tiyak na mas darami pa ang bilang ng mga kabataang mamamatay.

Mas mainam na lamang aniya na gumastos ng kaunti ang mga gumagamit ng pang pribadong sasakyan sa halip na mamatayan ng anak. (with reports from: Bombo Lyme Perez)