Dagupan City – Alinsunod sa patuloy na pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko at Bagong Taon 2024,” ang Land Transportation Office (LTO) Region 1, ay patuloy na nagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng mga motorista at komyuter sa kalsada.

Kung saan ang mga kawani ng naturang opisina ay aktibong nakikibahagi sa iba’t ibang aktibidad na naglalayong matiyak ang ligtas na paglalakbay sa loob ng rehiyon.

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa mga direktiba ng LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagprotekta sa publiko sa panahon ng abalang holiday season. Upang suportahan ang layunin na ito ay nagtakda ng ang isang dedicated helpdesk upang matulungan ang mga komyuter at motorista sa kanilang mga pangangailangan sa buong holiday period sa bawat pampublikong lugar at kakalsadahan.

--Ads--

Ang mga operasyon ay malawakang isinasagawa, kabilang ang pagmonitor ng kondisyon ng trapiko sa kalsada, random na roadside inspections, at pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials upang itaas ang kamalayan sa kaligtasan sa kalsada.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, nananatiling committed ang LTO Region 1 na tiyakin na lahat ng motorista at pasahero ay magkaroon ng ligtas at maayos na paglalakbay sa pagsalubong ng bagong taon. (Aira Chicano)