DAGUPAN CITY– Nananawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTRFRB sa transport group na huwag ng ituloy ang isasagawang malawakang transport strike sa Lunes, September 30.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi ni
LTFRB Regional Director Nasrudin Talipasan, sa halip na strike, hinihikayat nila ang grupo na magkaroon ng dayalogo upang malinaw na mapag-usapan ang lahat ng hinaing na nais nilang iparating.

Kung matatandaan sa mga nakalipas na mga transport strike ay halos walang naidulot na impact dahil hindi naging malawakan ang naging saklaw nito dahil karamihan sa mga transport operator at driber ay naniniwala sa mabuting maidudulot ng programang PUV modernization program.

--Ads--

Samantala, giit ni Talipasan na ang programa ay para sa kabutihan ng mga mamamayan.

Kanya ring ipinaliwanag ang magandang dulot ng PUV modernization program.

Sa Lunes September 30 itinakda ang nationwide strike ng major transport groups bilang pagpapakita ng mariing pagtutol sa implementasyon ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

Sa kauna unahang pagkakataon ay magsasasama ang ibat ibang asosasyon para sa nasabing protesta laban sa nasabing PUV modernization program .