Patuloy na naghahatid ng ulan sa Luzon ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa may area ng Macalelon, Quezon.
Balitang Tsina
Inaasahan itong magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat hanggang bukas.
--Ads--
Bukod dito, isa pang LPA na ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa state weather bureau, maliit pa ang posibilidad na ito ay maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Sa kabuuan, pinapayuhan ang publiko na maging handa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan.




