Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa layong 180 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union batay sa pinakahuling datos.

Patuloy namang nakaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa Southern Luzon at sa kanlurang bahagi ng Visayas, na nagdudulot ng mga pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, binabantayan din ang Typhoon “Dolphin” (2613) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). 

--Ads--

Huling namataan ito sa layong 2,095 kilometro silangan-hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa sentro at pagbugso hanggang 190 km/h, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 20 km/h.

Pinapayuhan ng mga otoridad ang publiko na maging alerto sa posibleng flash floods at landslides dulot ng malalakas na pag-ulan, lalo na sa mga rehiyong apektado ng Habagat.

Patuloy ding mino-monitor ang galaw ng bagyong Dolphin upang matiyak kung magkakaroon ito ng epekto sa bansa.