BOMBO DAGUPAN- Isinailalim na sa state of calamity ang Louisiana at ang Mississippi sa USA bilang paghahanda sa Hurricane Francine dahil sa patuloy na paglakas nito sa golpo ng Mexico.
Itinaas na ito sa Category 1 hurricane at inaasahang tataas pa sa Category 2 kapag naglandfall na ito sa Louisiana.
Maliban pa sa pag-ulan, may potensyal din ito na magdala ng buhawi at makapaminsalang malalakas na hangin sa central at eastrn Louisiana.
Subalit, hindi pa man ito naglandfall ay nagdulot na ito ng pag-ulan sa nasabing lugar.
Inabisuhan na din ang mga residente ng eastern Louisiana, Mississippi, southern Alabama, at western Florida sa inaasahang “life-threatening storm surge.”
Samantala, kamakailan lamang nang maganap ang ika-19 anibersaryo ng pananalanta ng Hurricane Katarina sa nasabing lugar kung saan nag-iwan ito ng higit 1,800 kaswalidad at nagdylot ng malawakang pinsala.