BOMBO DAGUPAN – Kinumpirma ni Lorna Tolentino na seven months na ang ipinagbubuntis ng kanyang manugang na si Jef Gaitan .

Sobrang excited ang premyadong aktres dahil magkakaroon na siya ng baby boy na apo.

Kamakailan ay naging simple at tahimik ang ginanap na kasal nina Renz Fernandez at Jef sa Quezon City.

--Ads--

Nakadalawang apo na si Lorna sa kanyang panganay na anak na si Rap Fernandez, at parehong babae.

Ngayon, sa kanyang bunsong anak na si Renz ay magkakaroon na siya ng lalaking apo.

Samantala, may naisip na raw silang ipapangalan sa magiging baby boy nina Renz at Jef at ito ay Rodolfo Victor. Ang pangalan ay galing sa namayapang mister ni Lorna na si Rudy Fernandez ang Rodolfo, at ang Victor ay kinuha naman sa pangalan ni LT na Victoria.
.