Ginamit na ng Ukraine sa unang pagkakataon ang missile mula Estados Unidos upang atakihin ang teritoryo ng Russia.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Estados Unidos na ginamit ang kanilang Army Tactical Missile System (Atacms) o isang longer-range missiles.
Nauna naman nang sinabi ng defence ministry ng Russia na nagkaroon ng pagtama mula sa pag-atake ang rehiyon ng Bryansk.
--Ads--
5 missiles ang napatumba habang 1 naman ang nasira kung saan nagdulot ng sunog sa isang military facility sa nasabing rehiyon.
Inakusahan naman ni Russian foreign minister Sergey Lavrov na sinusubukan ng Washington na palalain ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa.