BOMBO DAGUPAN – Love is in the air talaga! Yan ay matapos ang isang dekada ay ni-level up nina Jerald Napoles at Kim Molina ang kanilang relasyon at engaged na sila ngayon.

Makikita sa isang post ang ilang larawan sa ginanap na engagement ng dalawa.

Sa PETA Theater kung saan unang nagkita ang dalawa ay doon din inalok ni Jerald ng kasal si Kim.

--Ads--

Sa larawan, makikita si Jerald na nakaluhod habang nagpo-propose kay Kim, at may background na sunflowers at mga maliliit na ilaw.

Hindi naman napigilan ng aktres na maiyak sa kasiyahan dahil sa ginawa ng nobyo.

Matatandaan na bumida kamakailan lamang sina Jerald at Kim sa comedy series na “LOL: Last One Laughing,” sa Prime Video.