Patay ang isang lolo habang sugatan naman ang kaniyang apo lulan ng bisikleta matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Baywalk sa Barangay Libsong West sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Batay sa impormasyong nakalap mula sa Lingayen PS, ang motorsiklo ay minamaneho ni Mykee Paredes, 21 anyos at residente ng Brgy Poblacion sa bayan ng Lingayen habang lulan naman ng bisikletang may sidecar sina Peter Danglacruz, 59 anyos kasama ang kaniyang apong lalaki na si Kenneth Danglacruz, 10 taong gulang, kapwa residente ng Brgy Libsong West sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, binabagtas noon ng maglolo ang kanlurang direksyon na nagmula sa silangang direksyon nang aksidenteng mabangga o matamaan mula sa likurang bahagi ng isang motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon ang maglolo at nagtamo ng mga sugat sa iba`t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Agad na dinala ang mga biktima sa Lingayen District Hospital para malapatan ng lunas subalit idineklarang DOA si Peter Danglaruz habang kalaunan inilipat ang driver ng motorsiklo sa Nazareth Hospital sa siyudad ng Dagupan.
Dinala naman ang motorsiklo sa Lingayen PS para sa maayos na disposisyon.




