Nagsagawa ng dalawang araw na training on gender and development ang local na pamahalaan ng Mapandan na pinangunahan ng Alkalde ng bayan kasama ang iba’t ibang opisyales mula sa iba’t ibang tanggapan.
Ang district Gad training ay ginanap sa Mapandan Central SPED Center Covered Court kung saan nagtipon tipon ang mga ito upang talakayin at pag-usapan ang kahalagahan sa pagakkaroon ng pantay na pagtrato sa mga kapwa.
Kaugnay dito ay pinangunahan ng alcalde ng bayan ang pagbabahagi ng kwneto sa mga kasama noong siya ay empleyado pa lamang noon. Anya na mahalagang isinasapuso ang pagtatrabaho at dapat ay may malasakit sa kapwa empleyado upang magkaroon ng maayos at mapayapang kapaligiran. Pagbibigay suporta at tulong Lalo na sa taong may pinagdadaananan.
Ang pagsasanay sa Gender and Development (GAD) ay nakatuon sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagbibigay kapangyarihan sa mga indibidwal sa pamamagitan ng pagsasama ng perspektibo ng kasarian sa pagbuo at pagpaplano ng mga polisiya at programa.