Nagkakaroon na ng mga paghahanda ang bayan ng Manaoag para sa Semana Santa 2025 sa inaasahang pagdagsa ng libo-libong deboto at turista sa Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag.
Ilang linggo na lamang ay gugunitain na ang Semana Santa na isang kaganapan na isinasagawa ng mga mananampalataya sa buong bansa bilang ang Pilipinas ay isang Catholic Country.
Maituturing na ang bayan ng Manaoag bilang “Blessing Capital of the Philippines”, Number 1 Tourist Destination in terms of Religous Site in Region 1 at “True gateway of Pangasinan” kaya hindi na maipagkakaila na ito ay dinadagsa ng mga mananampalataya saan man panig ng bansa tuwing sumasapit ang mahal na araw dahil sa pinaniniwalaang milagrong hatid ng “Apo Baket” at malalim na debosyon sa Panginoon.
Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario na patuloy nilang inaayos at pinapaganda ang bayan lalo na sa pagpapalawak ng kalsada dahil kapag maraming deboto at turista ay hindi maiiwasan ang trapiko.
Aniya na sa kanilang tala umaabot sa higit pitong milyong indibidwal ang bumibisita sa bayan sa isang taon.
Saad nito na kapag sumasapit naman ang holy week inaasahang nagkakaroon ng triple or 4x na dami ng tao mula weekly average na nasa mahigit 50 libo.
Patuloy naman ang ginagawa nilang pagsuporta sa simbahan kung saan may mga inisyal na silang pagpupulong para maging maganda at maayos ang daloy ng mga tao sa lugar.
Inihahanda narin nila ang mga ilang tanggapan gaya ng MDRRMC Council, Medical Team, BFP at PNP para sa ilang command post na may kanya-kanyang ambulansya upang tumugon sa kalagayan ng mga bisita
Samantala, umaabot naman aniya sa 42 na CCTV ang nakakabit sa bayan ngunit dadagdagan pa ito para mas matutukan ang bisita maging ang kalsada sa lahat ng oras dahil obligasyon nila ang kaligtasan ng mga ito sa kanilang bayan.