DAGUPAN, CITY— Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang kanilang kahandaan sa kanilang vaccination program kontra COVID-19.
Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, sila ay nagsagawa na ng simulation program upang kung ang suplay ng mga nabanggit na bakuna ay dumating na, magkakaroon umano ng maayos at mahusay na implementasyon ng Lingayen vaccination plan.
Siniguro na rin ng kanilang pamahalaan ang master list ng kanilang mga residente na uunahing maturukan ng panlaban kontra sa nasambit na nakamamatay na virus.
Partikular sa kanilang prayoridad ay ang medical fontliners gaya na lamng ng mga doktor, nurses, midwives, at iba pang healthworkers.
--Ads--