BOMBO DAGUPAN – Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Lingayen na mag deklara ng state of calamity dahil sa pananalasang ng bagyong Kristine.

Ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, katuwang ang PNP, kagabi pa patuloy ang kanilang pag-iikot, at unpassable na sa brgy. Poblacion at hindi na rin mapasok ng patrol at tanging truck lamang ng LDDRMO ang pumapasok.

Samantala, ipinagbabawal munang daanan ang Binmaley baywalk na nagdudugtong hanggang sa “See Pangasinan” dahil sa mga pinsalang dulot ng bagyo.

--Ads--

Kaninang umaga, na-utilize na ang ilang mga evacuation center sa Poblacion, Narcisso building, at may mga kababayan na ring na-evacuate sa simbahan at covered court ng mga paaralan.

Sa kasalukuyan ay bukas ang 8 na evacuation centers.

Sa tala kaninang umaga ay nasa 97na pamilya at 356 individual ang nailikas sa mga evacuation center at inaasahan na madadagdagan pa ang bilang.

Kasalukuyang lubog sa baha ang barangay Libsong East, Libsong West, Poblacion, Maniboc at Pangapisan North.

Tiniyak naman ni Bataoil na sapat ang food packs para sa mga nasalanta ng bagyo.

Pinag iingat naman niya ang publiko baka mabagsakan ng puno dahil sa malakas na hangin.