Mahigpit na ipapatupad ng mga otoridad dito sa Dagupan City ang ordinance No. 2335-2025 o ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-install ng noisy mufflers sa lahat ng uri ng sasakyan kung saan ito ay nilalayon na masugpo ang ingay mula sa modified mufflers at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Bryan Kua sa isinagawang session ng sangguniang panlungsod nito lamang lunes, August 18.

Kabilang sa mga sasakyan na mahigpit na babantayan ay passenger cars, trucks, buses at motorcycles.

--Ads--

Kaya naman may panawagan ang Lokal na Pamahalaan sa mga motorista at establisimyentong lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin at papatawan ng kaukulang parusa.

Kaugnay nito ay sang-ayon naman ang mga residente ng syudad para sa mas tahimik at payapa na lugar.