Inaasikaso na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagpapatayo sa Barangay Malued ng Super Family Health Center.

Kung saan kasama sa mga nag-inspek kamakailan ang alkalde, ang punong Barangay sa lugar, kasama din ang engineering office at iba pa para mapag-aralan at makita ang lokasyon nito.

Ang nasabing pasilidad ay mapapakinabangan ng ilang barangay malapit dito gaya na lamang ng Barangay Lasip Grande, Pogo Grande, Lasip Chico, Lucao at iba pa.

--Ads--

Bukod dito matatandaan rin na mayroon nang nabuksan sa Barangay Bolosan na siyang pinakamalaking Health Care Facility sa Rehiyon Uno, ang Dagupan City Super Family Health Center.

Mabibebenipisyuhan naman ng nasabing pasilidad ang mga residente ng Eastern Part na barangay ng Dagupan gaya ng Bolosan, Mamalingling, Tambac, Mangin, Tebeng at Salisay.

Ang mga serbisyo na maaaring maialok dito ay ang mga sumusunod gaya ng Utrasound, ECG, XRay, Birthing Area/Delivery Room, Minor OR/surgical room, Ward, Dental, TB DOTS, Laboratory at outpatient service