DAGUPAN CITY- Agarang isinagawa ang relief operations sa Barangay Bonuan Binloc, sa syudad ng Dagupan, sa gitna ng idineklarang state of calamity ang syudad, upang tugunan ang pangangailangan ng mga naapektahang residente.

Katuwang ang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development, lokal na pamahalaan ng Dagupan, mga frontliners, at mga volunteer mula sa barangay at iba’t ibang sektor, naipamahagi ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain at kalusugan.

Bahagi ito ng “Walang Gutom Program” na layuning maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga komunidad sa pamamagitan ng mabilis at organisadong pagtugon.

Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan mula sa disaster risk reduction offices, pulisya, bumbero, Philippine Coast Guard, maritime group, at iba pang lokal na opisina.

Sa pagtutulungan ng mga grupo at ahensya, mas naging sistematiko at mabilis ang pamamahagi ng ayuda.

Tiniyak ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon ang patuloy na suporta sa mga apektadong lugar, habang pinapalakas ang koordinasyon para sa mas epektibong pagtugon sa mga susunod pang pangangailangan.