Dagupan City – Personal na nagtungo si Calasiao Vice Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay, kasama sina MGDH I at DRRM Officer Freddie D. Villacorta, Municipal Engineer Edwin P. Tigno at mga konsehal, upang magsagawa ng inspeksyon sa bahagi ng dike sa Barangay San Vicente na iniulat na may pagtagas.
Isinagawa ang inspeksyon kasunod ng ulat ni Punong Barangay Radito Joves hinggil sa pagtagas ng dike na dulot ng pagtaas ng antas ng tubig sa Marusay River.
Agad ding nagtungo sa lugar ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH upang tumulong sa agarang pagtugon sa insidente at maiwasan ang posibleng paglala ng sitwasyon.
Isinagawa ang sandbagging sa apektadong bahagi ng dike sa pamamagitan ng koordinasyon at aktibong pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at DPWH.
Patuloy namang minomonitor ng mga kinauukulang opisyal ang kondisyon ng Marusay River at ng dike upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa Barangay San Vicente at mga kalapit na lugar.










