Nagwagi ng maraming parangal sa Provincial Health Summit at Gawad Parangal sa Kalusugan 2024 ang Lokal na Pamahalaan ng burgos.

Pinangunahan ni Mayor Valenzuela sa pagtanggap ng mga parangal si Councilor Fred Christian Nacar, Dra. Trina Marie Aquino, at iba pang mga opisyal ng naturang bayan.

Nakatanggap sila ng mga sertipiko at plaka ng pagkilala at insentibong pinansyal dahil sa kanilang pagKampeon, bilang Pinakamahusay na LGU sa Pambansang Programa ng Bakuna, Pinakamahusay na LGU sa Programa ng Kalusugan ng Ina at Pamilya, Pinakamahusay na LGU sa Pag-iwas at Kontrol sa Rabies, Pinakamahusay na LGU sa
Karagdagang Paggamot ng Bakuna para sa Measles-Rubella at Oral Polio.

--Ads--

Mga Parangal sa Nutrisyon bilang Top 5, 2023 Green Banner Seal of Compliance (2nd Year)

Unang Puwesto, 2023 Municipal Nutrition Action Officer of the Year

Ikatlong Puwesto, 2023 Barangay Nutrition Scholar of the Year.

Ang Provincial Health Summit at Gawad Parangal sa Kalusugan ay taunang ginaganap ng Provincial Government ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Health Office kasama ang Department of Health Region 1. Layunin nitong kilalanin ang walang-katapusang pagsisikap at mga mahusay na kasanayan ng mga LGU, kasama ang mga manggagawa sa kalusugan at nutrisyon sa antas ng munisipyo at barangay.