Nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Bayambang upang pag-usapan at pagplanuhan ang mga gagawin para sa 4th quarterly validation at assessment ng tatlong proyekto na inihahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pinangunahan ni Editha Soriano na siyang Municipal Local Government Operation Officer ang nasabing pagpupulong.
Habang dumalo rin ang ilan pang mga personel mula sa iba’t ibang ahensya ng bayan kagaya na lamang ng mga miyembro ng Municipal Validation and Assessment Task Team, mula sa LGU, BFP, PNP, at CSO representatives.
Dito ay pnag-aralan ang progreso ng mga barangay sa pagpapatupad ng layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at food sustainability sa buong bayan ng Bayambang.
Ang proyektong ito ay nasa ilalim ng programa na “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program”, dito sa bansa.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga aktibidad o proyektong gagawin para suportahan ang prgrama:
Barangay Road Clearing Operations (BARCO);/Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG); at Search for Cleanest Barangays.