Nagsimula nang dumagsa ang mga negosyante at tricycle owner sa munisipyo ng Asingan upang magparehistro at mag-renew ng kanilang mga permit sa ilalim ng Business One-Stop Shop (BOSS).

Ang BOSS ay isang programa na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Asingan upang mapabilis, mapadali, at maging mas maayos ang proseso ng pagkuha ng Mayor’s Permit at Business Permit sa iisang lugar.

Sa pamamagitan ng BOSS, hindi na kailangang pumunta ang mga negosyante at tricycle owner sa iba’t ibang opisina upang makakuha ng kanilang mga permit.

--Ads--

Sa isang lugar lamang, maaari na nilang kumpletuhin ang lahat ng requirements at bayaran ang mga kaukulang fees.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mas maraming negosyante na magparehistro ng kanilang mga negosyo at tricycle upang maging legal ang kanilang operasyon.

Bukod pa rito, inaasahan din na mapapabilis ang proseso ng pagkuha ng permit upang hindi na maantala ang kanilang mga negosyo.