DAGUPAN CITY – Nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na Pamahalaan ng Asingan, Pangasinan katuwang ang ilang departamento sa bayan, upang magkaroon ng maayos at matibay na koordinasyon para sa kahandaan sa mga inaasahang sakuna.

Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalakas ng disaster preparedness sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pagsasanay sa mga volunteer, tamang paglalagay ng mga kagamitan tulad ng mga generator set at rescue equipment, at pagpapatuloy ng mga drills sa bawat barangay upang masiguro ang kahandaan ng bawat isa.

Layunin ng pagpupulong na mapanatiling ligtas ang mga residente sa pamamagitan ng mas organisado at mabilis na pagtugon sa anumang emergency, kabilang na ang paglikas sa mga lugar na madalas bahain at pagbibigay ng sapat na suplay ng pagkain at tubig.

--Ads--

Matatandaang nakaranas ng malawakang kawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng bayan matapos patumbahin ng Bagyong Uwan ang ilang poste ng kuryente, kaya’t isa rin sa mga binigyang-diin ang paghahanda para sa mabilis na pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa oras ng sakuna.