BOMBO DAGUPAN- Respeto at disiplina ang kahilingan ng mga lokal na residente ng Shizuoka at Yamanashi Prefecture, sa Japan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, ang Bombo International News Correspondent sa Japan, hindi lamang kase isang tourist spot ang Mt. Fuji para sa mga residente ng Japan dahil ito ay kilalang nauugnay sa kanilang kultura at relihiyon.

Ang pagdagsa kase ng mga turista sa mga photo stops ay nakakapag antala sa mga lokal partikular na sa mga negosyo.

--Ads--

Kaya aniya, naglagay ng mesh net barriers ang mga otoridad upang makontrol ang pagdagsa ng mga turista.

Subalit, hindi umano ito tuluyan napigilan ang pagdami ng mga ito dahil binubutasan ng mga turista ang nasabing barrier upang makapag litrato ng naturang heritage spot.

Ito umano ang nag udyok sa mga otoridad na magpatupad ng penalty sa mahuhuling naninira ng barrier.

Maliban din kase sa paninira, nag dudulot ng pagkakalat, illegal parking, at pag-iingay ang mga turista sa mga nasabing spots.

Sisingilin naman ng 2,000 yen o nasa higit P700 at may karagdagan na boluntaryong 1,000 yen donation ang mga hikers na dumadaan sa kilalang ruta paakyat sa Mount Fuji. Lilimitahan naman sa 4,000 katao bawat araw ang makakaakyat upang maiwasan ang congestion.

Samantala, nagpaalala si Galvez sa mga turista na panatilihin ang kaayusan sa mga tourist spots sa Japan.