Dagupan City – Dumalo sa isinagawang kapihan sa senado si Barangay Bonuan Gueset Kagawad, Leomer M. Cuaton kamakailan,

Sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi nito ang mga ilan sa kanilang mga natalakay.

Gaya na lamang ng tulong medikal at edukasyon para sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Ayon kay Cuaton, nakasentro umano ang kanilang pag-uusap sa kapakanan ng publiko kung saan ay nakasama nito ang ilang mga senador na sina senator Pia Cayetano at senator Allan Cayetano, at iba pa.

Samantala, ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa mga guro at sa pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa Alternative Learning System (ALS) upang amtugunan ang pangarap ng mga indibidwal na makapagtapos ng pag-aaral.

Hinggil naman sa usaping kakalsadahan sa kanilang nasasakupan, patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-koordena sa POSO at ahnay ng kapulisan sa pagpapanatili ng trapiko at kaligtasan partikular na ng mga mag-aaral ngayon pasukan.