Ikinokonsidera ng Inter Agecy Task Force o IATF Dagupan na local transmission ang nangyayari ngayon buhat ng pagdami ng bilang ng natamaan ng virus sa siyudad ng Dagupan.

Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, covid19 focal person ng Dagupan IATF, maliban sa isinasagawang mass testing, ang pagkakaroon ng hawaan sa loob ng bahay ang isa din sa mga dahilan ng paglobo ng covid 19 case sa siyudad.

Aniya, mas maigi umano na kahit na nasa loob lang ng bahay, magsuot pa rin ng facemask dahil nasa loob ng bahay ang exposure.

--Ads--
Dr. Ophelia Rivera

Bilang tugon sa dumaraming covid case, nagsasagwa ng mga localized lockdown ang city government sa mga sitio o compound na apektado.

Nakapag-isyu na rin sila sa mga punong barangay at mga establishimento ng memo para sa lockdown dahil sa naitalang kaso at exposure sa naturang sakit.