Bagama’t opisyal nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista, ay tuloy pa rin ang local peace negotiations.
Kasunod ito ng pagbuwag ng Malacañang sa government peace panel na nakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sinabi nito na magpopokus na lamang ngayon sa localized peace initiative ang national government at hinding-hindi na sila makikipag-usap pa kay CPP-NPA Founder Joma Sison.
Mababatid na inihayag kamakailan ng PNP na handa sila sa mga usapang pangkapayapaan sa mga militanteng grupo at bukas din umano sila kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may nais sumuko sa grupo pati na ang mga lider ng New People’s Army (NPA).