BOMBO DAGUPAN – Nakakuha ng grants mula sa Department of Agriculture ang lokal na pamahalaang bayan nBayambang na nagkakahalaga ng P40 million at bago matapos ang 2024 ay sisimulan na ang pagpapatayo ng isang cold storage facility na may 20,000 bags na capacity sa barangayu Nalsian Norte.

Sa kanyang pahayag kamakailan sa kanyang State of the Municipal Address, sinabi Bayambang mayor Nina Quiambao na bukod dito ay nagkaloob ang dalawang malalaking bangko kasama ang World Bank ng panibagong grant na halagang P 250 million para masimulan ang kontruksyon ng isa pang cold storage facility sa barangay Amacosiling Sur na kaya imbakan ng mahighit 250,000 bags ng sibuyas.

Dahil din sa kanilang inisyatibo ay nabuksan ang Bayambang Polytechnic College na ngayong pasukan ay mayrong mahigit 800 na estudyante sa loob ng unang tatlong taon na operation.

--Ads--

Dahil din umano sa lumalaking populasyon sa kolehiyo ay magpapatayo sila ng isang 4 storey na 32 classroom academic building na itatayo sa barangay Zone 7 kung saan may dagdag na donasyon na 10.4 million ang buong pamilya nila na gagamitin sa pagbabayad ng tuition ng mga mag aaral.

Ang mga programa at proyektong ito ay nagawa sa ilalim ng Quiambao administration sa taong 2023-2024.