BOMBO DAGUPAN – Patuloy ang monitoring ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Lingayen kaugnay sa mga naapektuhang barangay dahil sa Bagyong Enteng.
Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, Officer II ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office Lingayen na nagconduct agad sila ng pre-disaster risk assessment kahapon lalo na sa mga high risk areas sa bayan.
Aniya na nag-ikot ikot sila lalo na sa mga high risk barangays at may mga ilan na nakaranas na ng pagbaha dahil sa high tide.
Kaugnay nito ay binabantayan din nila ang mga lugar na malapit sa mga ilog at baybaying dagat.
Dahil catch basin ang kanilang bayan ng mga tubig ulan na nanggagaling sa mga upland areas ay ay kanilang tinitingnan ang water level dahil madalas na umapaw ang Agno river.
Sa kasalukuyan ay wala namang naiulat na inilikas o nag-evacuate.